Did you experience being lost in your adventure? In your business or in your life?
Yang magandang qoutes na nabasa mo sa picture, alam mo ba na may story yan, kung bakit ko nasabi na:
" some beautiful paths can't be discovered without getting lost"
Yes totoo, merong story yan kung hindi ka busy ngayon or wala kang ginagawa...
...ipagpatuloy mo ang pagbabasa mo alam kong magustuhan mo 'to lalo na kung isa kang bisnis owner, kung isa kang marketer or entrepreneur.
Couple months ago, kasama ko ang mga kaibigan ko nagpunta kami sa isang kilalang australian castle
Noong pumunta kami dun dalang-dala namin ang excitement kahit wala kaming idea kung paano makapunta dun,
Ang ginawa ko nagtanong-tanong lang ako sa mga kakilala sa facebook kung paano makapunta dun.
Ngayon heto na alam na namin kung anu ang sasakyan namin papunta dun, we are so excited talaga na mkapunta dun kasi dinadayo kasi itong lugar na to.
Eksaktong alas 12 ng tanghali kami nakasakay at nakaalis papunta doon sa castle,
habang nasa bus kami wala kaming ibang topic kundi yung castle kasi sobrang ganda daw dun at sobrang relaxing ang place
matagal na naming pinangarap na pupuntahan talaga namin itong lugar na to.
After 1 hour ng biyahe medyo nagtaka kami bakit hindi pa namin naririnig sa bus yung lugar na kung saan doon kami dapat bababa.
Sa harapan kasi ng bus, merong nakalagay bawat stop kung saan na, kaya binatayan namin kung malapit na ba or malayo pa.
Sabi ng kasama ko baka malapit na wait lang natin.
Hindi nagtagal nag stop na ang bus at ang sabi ng driver dito na daw yung last stop.
We were like... Whattttttttt?
Yan yung reaction namin, dun namin nalaman na naligaw pala kami
Yung bus na sinakyan namin may kapareha pala na number yun peru iba ang routa. 😆
Bundok na siya at tahimik ang lugar halos wala kang makitang ibang tao nakakatakot.
Worried na worried na yung kasama ko while ako relax lang at naka smile pa rin kasi alam ko na makarating pa rin ako dun.
Sabi ng isa kong kasama uuwi nalang tau sayang yung oras at magastos.
Sabi ko naman tuloy parin tau kasi nasimulan na natin to at sayang yung araw at effort natin.
I promise you mag enjoy tayo dun pag nandun na tayo.
Buti merong taxi na mabait pinasakay kami pabalik kahit may iba siyang pasahero,
naawa siya sa amin kasi daw ang layo ng babalikan namin, nagsiksikan kami sa taxi at tiniis namin kasi madalang lang ang sasakyan dun kasi nga bundok na.
Nagtanong ulit ako kung paano makapunta dun sa castle
To cut the long story short nakarating kami dun sa tulong ng pagtatanong
medyo hapon na peru sobrang napaka ganda pala ng place, totoo nga yung sabi nila napaka relaxing at sobrang nag eenjoy ako dun.
At alam mo ang next nangyari ubos yung dalawa kong battery sa kaka picture ng view 😅😅😅
Bakit ko shini-share sayo 'to?
Simply lang maraming mga entrepreneur at marketer na nagsimula sila sa mga bisnis nila
Sobrang excited sa simula, tapos naligaw nga lang ng isang beses huminto na, napang hinaan na ng loob, iniisip nila ang gastos.
yung iba umaayaw na, hindi na sila nagpatuloy sa mga pangarap nila.
Hindi man lang nagtanong sa ibang may alam kung paano sila magtagumpay sa ginagawa nila.
Binaon na sa limot yung pangarap nila sa mga kapatid at pamilya nila.
Nakakalungkot yung ganun di ba, hindi nila na enjoy yung tagumpay
"It's okay to get lost every once in a while, sometimes getting lost is how we find ourselves"
Na experience mo ba na pumunta ka sa isang lugar kahit pagod ka ay nasabi mo na okay lang kasi nag eenjoy ka?
Yung feeling ba na umuwi ka sa bahay, na feel mo na hindi kayang bayaran ng pera ang satisfaction na nararamdaman mo dahil sobrang nag eenjoy ka?
Kahit pagod peru worth it ang oras at pera mo?
Kung na experience mo ang feeling na yan
Ganyan din yung exact na mangyayari kung ipagpatuloy mo ang ginagawa mo either sa bisnis mo ngayon or kung anu man yung ginagawa mo.
Masasabi mo nalang sa huli worth it pala buti nalang hindi ako tumigil, buti nalang nagpatuloy ako kahit mahirap.
Napaka sarap pala ng feelings kapag matupad mo ang matagal mo ng pinapangarap, di ba?
Masarap ba yung naibibigay mo ang mga pangangailangan ng kapatid mo or pamilya mo?
Here's my advice to you
"Don't stop until you get there" why? because “Sometimes it takes a wrong turn to get you to the right place.”
Hope na inspire ka at may natutunan ka sa post na to
Till next post,
Gemar "Being Lost" Rom