Muntik na akong ma-tae!
Ooops!
Pasintabi sa kumakain
Isang araw, bandang hapon yun ay sumakay ako ng jeep pauwi sa amin.
Habang naghihintay kami nang ibang pasahero ay bigla akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan.
Nanglalamig at pinagpapawisan na ako sa mga oras na yun.
Feeling ko ay pag tumagal pa ito ng limang minuto ay hindi ko na talaga mapipigilan.
Kasu, nagdadalawang isip ako kung bumaba ba ako o hindi dahil malapit nang mapano ang jeep at nakakahiya naman sa driver at sa ibang pasahero na naghintay.
Lumipas ang dalawang minuto ay lalo akong nanlamig at mas pinagpawisan peru yung jeep hindi pa napupuno.
Sa puntong iyon ay nagdesisyon na talaga ako bumababa ng jeep.
Habang pababa ako ay nagtinginan sa akin lahat ng pasahero pati yung driver.
Yung iba naman galit na galit at sabay sabing "Ano ba yan! Mapupuno na sana, bumababa pa!"
Hiyang-hiya ako sa mga oras na yun pero sa puntong iyon ay may na-realize ako.
Sabog sana ng ta- yung jeep!
hahaha! joke lang...
Peru ito talaga na-realize ko,
Na-realize ko na every disisyon na gagawin natin sa buhay may masasabi talaga yung ibang tao, Nasa tama man yan 'O Mali.
Hindi ko alam kung anung meron ka ngaun, anung alam mo at anung kayang mong gawin peru kung gagawa ka ng disisyon, pag isipan mo ito ng mabuti.
Gumawa ka ng disisyon na makakatulong sayu as soon as possible, hindi dahil yun yung sabi ng ibang tao.
Wag mong isipin ang sasabihin ng iba dahil basta't wala kang tinatapakan na ibang tao at alam mo na makakatulong ito sayu, gawin mo.
Ang buhay mo ay nakadependi sayu at hindi naka dependi sa buhay ng ibang tao.
Tandaan mo ito,
Hindi nila alam yung story ng buhay mo.
Hindi nila alam yung tama at mali para sayu.
...at hindi nila hawak ang buhay mo.
"Your Success mainly the result of your own efforts not by anyone"
-Armand Sidro
https://www.pinoydigitalnomads.club/
Like 2
Comments 0
Share
loading comments...