Gusto mo magkaroon ng breakthrough sa results 'dyan sa ginagawa mong negosyo?
Basahin mo hanggang dulo ang post na ito baka ito na ang sagot 'dyan!! 😊🙏
Ang sagot ko 'dyan--- umpisahan mo ng mag-video markerting 😊 (bigyan kita ng tips mamaya)
Ibig sabihin ay subukan mong mag-umpisa ng pag-gawa ng videos mo..
Oops!! Pero paano? Eh, beginner lang ako, cellphone lang gamit at higit sa lahat hindi ako techie!!
Worry no more dahil sa panahon ngayon, halos wala ng impossible.
So ready ka na bang mag-Step up at lumabas 'dyan sa comfort zone mo para mag-step up na din ang results sa ginagawa mo?
Naiimagine mo na din ba kung paano possibleng baguhin ng video marketing ang business mo at buhay mo? 😊
Alright!! ito ang quick tips ko sa iyo dahil kagaya mo nag-umpisa ako ng cellphone lang ang gamit, walang malaking budget, mahiyain at higit sa lahat ay hindi techie!!
But, I made it possible at malaki din ang naitulong neto sa akin sa business ko at sa resulta ko..
💥 Ready na sa mga TIPS? 😊
✅ Tip #1: Hindi mo kailangan ng magandang gadget para mag-umpisa. Gamitin mo ang cellphone na meron ka (android or iphone) as long as kayang mag-record nyan ng video!
Akala kasi ng iba kelangan naka dslr ka muna bago makagawa ng video. Well, ako bumili ako ng dslr pero until now ang gamit ko pa din ay ang aking android phone sa pagvivideo 😅
Point and shoot mo lang tapos edit konti sa mga mobile editor. 📱 Ganun kasimple!
✅ Tip #2: Huwag hintaying maging magaling ka bago mag-umpisa! Umpisahan mo kaagad para gumaling ka!
Most of the times ay nagiging excuse na natin ang pagsasabi -- ay hindi ako magaling jan, aralin ko muna! Pero wala namang ginagawa 😅
To tell you, mas matututo ka kung aaksyon ka muna WHILE inaaral mo. Walang perpekto kaya okay lang na magkamali sa unang implementation -- that's how we learn.
Yes, sa umpisa mauutal ka, ma-lolost for words at higit sa lahat ay mahihiya kang humarap sa camera most of the times.
Pero okay lang iyan. Ganyan din ako nung nagsimula 😅 Kaya nakakarelate ako 'dyan. Pero as long as umaaksyon ka at ginagawa mo parati -- i am 100% sure na gagaling ka din 😊
Mag-iimprove ka din later on.
✅ Tip #3: Be Consistent hanggang sa mag-improve ka.
Kagaya ng sinabi ko kanina, walang naging magaling at successful kaagad sa unang try!
Sina henry sy, jack ma, steve jobs at iba pang mga successful na mga tao -- sa tingin mo naging magaling kagad sila na mga negosyante sa unang try lang? 🤔
Sabi nga, at first you will suck but you will suck less the more you practice, until you suck no more 😊
Siguro hindi din ako nag-improve sa pag-vivideo kung hindi ko siya sinubukan at kung hindi ko siya ginawa ng tuloy-tuloy. Kaya thankful ako sa unang video na ginawa ko via facebook live na naalala ko pa ay nauutal ako, dahil kung hindi dahil doon ay hindi ako nag-improve ngayon 😅
Kaya ngayon sa pagvi-video mo, huwag mo lang siyang gawin once, gawin mo siya ng paulit-ulit hanggang sa mag-improve ka at magugulat ka nalang dahil the more ka mag-improve, your results follows 😊
Gawin mong habit ang pagrerecord ng video o maging part ng sistema mo -- kahit paunti-unti
Kasi small progress is still progress 👌
✅ Tip #4: Invest In Yourself To Re-invest
Mag-invest ka sa sarili mong improvement.
Mag-invest ka ng time at effort para aralin at gawin kung anong pwede mong gawin para mag-improve ang pag-vivideo mo -- by learning from others and from your previous results.
Yes, it will take time na makikita mo ang results but it is worth the wait ⏰
At kapag kaya mo na, mag-invest ka sa mga courses at mga gadgets that will help you improve more.. In short i-reinvest mo kung anong results ang makukuha mo 👌
At huwag madaliin ang results dahil it will come naturally as you continue to improve.
✅ Tip #5: Don't Memorize, Share From Experience & Knowledge
Madaming nagtatanong sa akin.. Eh coach paano ba mag-memorize ng script sa video?
Actually tanong ko din iyan sa mentor ko before? 😅
At natutunan ko na hindi mo naman kailangan imemorize ang script na sasabihin mo sa mga videos mo.. Ito lang ang sikreto jan.
1. gumawa ka ng bullet points ng mga main points na sasabihin mo sa videos mo
2. Humanap ka ng isang topic at iyon ang gawan mo ng bullet points
3. Share from your experience and knowledge
4. Keep it simple and easy to understand. Huwag magbanggit ng mga alien words o mga words na mahirap intindihin para sa mga viewers mo.
5. Imagine na kausap mo lang ang kaibigan mo o sarili mo habang nagvivideo ka para hindi ka ma-conscious at kabahan.
Ito din ang ginagawa ko everytime na nagvivideo ako. Mas nauutal ka kasi kung imememorize mo pa ang script and you will sound insincere and robotic.
Ito ang 5 Quick Tips ko sa iyo para makapag-simula ka na din sa video marketing kahit na beginner ka, o first time mo o kaya ay hindi ka techie.. 👌
Alam kong kayang-kaya mo din iyan. Most of my students ay nag-improve sa kanilang results nung lumabas sila sa comfort zone nila at tinanggap ang challenge sa pag-vivideo.
Ikaw ba? Are you up for the challenge din ba para sa inaasam mong resulta? 😊
Sana nakatulong sa iyo ang post na ito. And kung kailangan mo ng mga additional na gamit for your video marketing, below are the items na pwede mong subukan that you can use kahit cellphone o mobile lang gamit mo.. Ito din ang ilan sa mga gamit ko Na hindi masakit sa bulsa 😅
Kung madami kang natutunan, ishare mo naman sa comment section 💬 ang biggest take aways mo at ishare mo din ang post na ito para sa iba 👌
👉 Must-Have Items If You Are On Budget 👈
➡️Boya Microphone For Cellphone - https://invol.co/clr7ha
➡️Selfie Ring Light (USB) - https://invol.co/clr7hk
➡️Yunteng Tripod With Bluetooth - https://invol.co/clr7hz